^

Probinsiya

Coed ni-rape ng ka-boardmate

-
DAET, Camarines Norte – Kulungan ang kinabagsakan ng isang 23-anyos na SK Chairman ng Barangay San Pedro, Jose Panganiban, Camarines Norte, makaraang ipagharap ng reklamong panggagahasa ng isang 17-anyos na dalaga.

Halos magwala sa galit ang pamilya ng biktima na itinago sa pangalang "Nene", estudyante, matapos malaman ng magulang at kapatid na ang kanilang pinagkakatiwalaan at itinuring na kapamilya ang wawasak sa kinabukasan ng biktima na dalawang beses na pinagsamantalahan ng suspek na nakilalang si Ferdinand Delos Santos, 23, graduating student ng La Consolacion College of Daet at isang SK chairman ng nasabing barangay.

Batay sa salaysay ng biktima, noong Setyembre 12, 2000 bandang alas-8 ng gabi, dumating ang suspek sa boarding house ng biktima (ka-board mate ng suspek) na matatagpuan sa Taft Ilaod St., Daet.

Napag-alaman na lasing ang suspek ng pumasok sa kuwarto ng biktima upang ibigay nito ang padalang allowance ng magulang.

Dahil sa nag-iisa ang biktima sa loob ng kuwarto ay biglang dinampot nito ang isang kitchen knife at mabilis na tinutukan ang biktima.

Hindi nakapalag ang biktima dahil sa takot kaya’t naisakatuparan nito ang panghahalay.

Kamakalawa ng hapon, bandang alas-2 ay kampanteng naglalakad ang suspek patungo sa kanilang paaralan ng biglang damputin ng pulisya sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Ramon Arejola ng Daet Municipal Trial Court.

Ang suspek ay kasalukuyang nakakulong sa BJMP Daet District Jail at walang inirekomendang piyansa ang hukuman. (Ulat ni Francis Elevado)

BARANGAY SAN PEDRO

BIKTIMA

CAMARINES NORTE

DAET DISTRICT JAIL

DAET MUNICIPAL TRIAL COURT

FERDINAND DELOS SANTOS

FRANCIS ELEVADO

JOSE PANGANIBAN

JUDGE RAMON AREJOLA

LA CONSOLACION COLLEGE OF DAET

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with