^

Probinsiya

Estudyante tinadtad ng saksak, todas

-
CAMP VICENTE LIM, Calamba – Isang 25-anyos na estudyante ang natagpuang patay na tadtad ng mga saksak sa loob ng kanyang inuupahang apartment sa Barangay Concepcion, San Pablo City, Laguna, kamakalawa.

Sa report na nakarating sa Kampo buhat sa San Pablo Police Station, kinilala ang biktima na si Emelita Retardo, dalaga at nangungupahan sa Guis compound sa nabanggit na lugar. Si Retardo ay nagtamo ng mahigit 10 saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nakakuha ang mga awtoridad ng isang kutsilyo na may bahid na dugo na sinasabing ginamit ng salarin sa pagpatay at isang bag na kulay berde malapit sa bangkay ng biktima.

Ayon sa ulat ng pulisya, dakong alas-5 ng hapon, natagpuan ng may-ari ng apartment na si Arminio Anlacan ang biktima sa sopa ng sala.

Bago ang krimen, nabatid na may kasama ang biktima na isang di nakilalang lalaki sa loob ng kanyang apartment.

Makalipas ang ilang oras ay bigla na lamag nawala ang lalaki at doon na lamang nabatid na patay na ang biktima nang hindi ito lumalabas sa buong maghapon sa loob ng kanyang apartment. (Ulat ni Ed Amoroso)

ARMINIO ANLACAN

AYON

BARANGAY CONCEPCION

CALAMBA

ED AMOROSO

EMELITA RETARDO

GUIS

SAN PABLO CITY

SAN PABLO POLICE STATION

SI RETARDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with