Pulis tinodas sa sayawan, suspek pinatay
October 27, 2000 | 12:00am
AROROY, Masbate Isang miyembro ng Philippine National Police ang sinaksak at nasawi sa sayawan habang ang sumaksak naman ay binaril at napatay ng isang sundalo kamakalawa ng gabi sa loob ng Aroroy Golden Millenium Sports Complex, Barangay Baga-Oma sa bayang ito.
Ang pulis na nasawi ay nakilalang si SPO1 Pedro Maristela, 37, may-asawa, nakatalaga sa Aroroy PNP at residente ng nasabing lugar.
Habang ang suspek na namatay habang ginagamot sa pagamutan ay nakilalang si Gregorio Pusing, 39, may-asawa, magsasaka at residente ng Barangay Cagpandan Baleno, Masbate.
Nabatid sa pulisya na dakong alas 8:30 ng gabi ay may sayawan sa nasabing lugar dahil sa pinagdiriwang ang isang piyesta.
Dito umano pumasok ang suspek na lasing sa alak at nanggugulo kaya ito naman ay tinangkang hulihin ng biktima para matigil ang ginagawa nitong kaguluhan.
Subalit nagalit ang suspek sa ginawang panghuhuli ng biktima kaya nagbunot ito ng patalim at inundayan ng maraming saksak sa katawan.
Nakita ng isang S/Sgt. Pingoy Fernandez na nakatalaga sa 2nd Infantry Battalion ng Philippine Army na nakabase sa Barangay Cagay ang ginawang pananaksak ng suspek kaya ito ay kanyang binaril.
Ang biktima at ang suspek ay kapwa dinala sa pinakamalapit na pagamutan at pawang binawian ng buhay habang ang mga ito ay ginagamot. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended