2 ulo isinilang
October 27, 2000 | 12:00am
DAET, Camarines Norte Pinagkaguluhan kahapon ng umaga ng ilang mamimili sa pamilihang bayan ng Daet ang bakang isinilang na dalawa ang ulo, iisa ang leeg at isa ang lalamunan.
Sa panayam ng PSN kay Joel Ariel Naing, 46, may-asawa, meat dealer at residente ng Magallanes Iraya ng nasabing bayan, nabatid na kanyang nabili ang isang buntis na alagang baka sa isang nagngangalang Tacio Robles ng Purok 7, Barangay Laniton, Basud, Camarines Norte noong Oktubre 20.
Kamakalawa ay nanganak ang nasabing baka ngunit laking pagkagulat nila ng makitang dalawang ulo ang unti-unting iniluluwal ng baka. Gayunman, nabigong maisalba ang buhay ng bagong silang na baka at napilitang putulin ang katawan ng sanggol na baka sa dahilang nahihirapang makalabas sa puwerta ng inang baka.
"Sinisikap naming maisalba ang buhay ng ganitong pambihirang baka subalit nakita kong wala ng pag-asang mabuhay pa," pahayag ni Naing.
Ang kambal na ulo ng baka ay pansamantalang idinisplay sa kanyang puwesto sa palengke upang maipakitang hindi lamang sa tao nangyayari ang ganitong pambihirang nilalang na isinilang na dalawa ang ulo.
Marami ang nagsasabing suwerte sa negosyo ang sinumang nagkakaroon ng ganitong pambihirang baka. Nakatakdang i-preserved ng may-ari ang kambal na ulo ng baka. (Ulat ni Francis Elevado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest