^

Probinsiya

Construction firm sinunog ng NPA rebels

-
Sinalakay na may 50 miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) ang isang construction company na pag-aari ng isang Fil-Chinese businessman bago sinunog ang mga kagamitan matapos tumangging magbigay ng revolutionary tax kamakalawa ng madaling araw sa Compostela Valley.

Ayon sa report ng Camp Crame, nabatid na sinalakay ng mga NPA ang Vicente Lao construction compound sa Barangay Union, Monkayo, Compostela bandang alas-2:00 ng madaling araw.

Isang Ka Roger ang namuno sa mga NPA na sumalakay sa nasabing construction firm na pag-aari ni Lao makaraang tumanggi itong magbigay ng kanyang revolutionary tax sa rebeldeng komunista.

Sinunog ng mga rebelde ang 2 dump truck sa loob ng construction firm saka iginapos ang 2 guwardiya at kinuha ang 2 12-guage hot gun ng mga ito. (Ulat ni Rudy Andal)

AYON

BARANGAY UNION

CAMP CRAME

COMPOSTELA

COMPOSTELA VALLEY

FIL-CHINESE

ISANG KA ROGER

NEW PEOPLE

RUDY ANDAL

VICENTE LAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with