2 assets ng pulis at militar nilikida ng NPA rebels
October 23, 2000 | 12:00am
Dalawang umanoy informer ng pulisya at militar ang pinagbabaril ng mga armadong kalalakihan na pinaghihinalaang mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) sa isang liblib na lugar sa Remedios Romualdez, Agusan del Norte, ayon sa ulat ng pulisya, kahapon.
Namatay noon din mula sa tinamong mga tama ng bala sa ibat ibang bahagi ng katawan ang mga biktimang sina Salome Terrones at Martin Layuhan.
Batay sa report, dakong alas-10 ng gabi nang harangin ang mga biktima habang naglalakad ang mga ito sa bisinidad ng Brgy. San Antonio ng nasabing munisipalidad.
Bigla na lamang umanong bumunot ng baril ang mga suspect at walang sabi-sabing pinaulanan ng punglo ang mga biktima sa kabila ng pagmamakaawa ng mga ito.
Bago umano naganap ang insidente ay nakatanggap ng death threats ang dalawang biktima mula sa grupo ng mga rebeldeng komunista na nagalit dahilan sa aktibong pagbibigay ng mga ito ng impormasyon sa mga operatiba ng militar at pulisya kaugnay na rin ng pinaigting na insurgency campaign ng pamahalaan. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended