Kinilala ang mga nasawi na sina SPO2 Manuwara at ang dalawang sibilyang sina Jamael Mutia, Romy Montes, driver.
Kasalukuyang ginagamot sa Kolambugan Emergency Hospital ang nasugatang pulis na sina SPO2 Ascar Tanggor at PO3 Kampong Gumacap, pawang nakatalaga sa Tangkal Municipal Police Station (MPS) at nagsisilbing security escort.
Sa report na nakarating kahapon sa Camp Crame at Camp Aguinaldo, ang insidente ay naganap dakong alas-6:00 ng gabi habang bumabagtas ang nasabing ambulansiya sa liblib na lugar ng Brgy. Poona Japayagan, Tangkal ng nasabing lalawigan.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ang naturang ambulansiya na ineeskortan ng mga kagawad ng pulisya ay kagagaling lamang sa bayan ng Kolambugan, Lanao del Norte patungo sa bayan ng Tangkal upang dalhin dito ang pasyenteng si Mutia ng tambangan ng mga rebelde.
Pinaniniwalaang target kunin ng mga rebeldeng MILF ang mga gamot gayundin ang ilang armas na nasa pag-iingat ng mga escort na pulis kayat isinagawa ng mga ito ang pananambang. (Ulat ni Joy Cantos)