^

Probinsiya

Ambulansya inambush ng MILF rebels : 3 katao todas

-
Tatlo katao ang nasawi kabilang ang isang tauhan ng Philippine National Police (PNP) habang dalawa pang pulis ang malubhang nasugatan sa panibagong insidente ng pananambang na inilunsad ng mga pinaghihinalaang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) habang lulan ang mga ito ng isang ambulansya sa Tangkal, Lanao del Norte kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga nasawi na sina SPO2 Manuwara at ang dalawang sibilyang sina Jamael Mutia, Romy Montes, driver.

Kasalukuyang ginagamot sa Kolambugan Emergency Hospital ang nasugatang pulis na sina SPO2 Ascar Tanggor at PO3 Kampong Gumacap, pawang nakatalaga sa Tangkal Municipal Police Station (MPS) at nagsisilbing security escort.

Sa report na nakarating kahapon sa Camp Crame at Camp Aguinaldo, ang insidente ay naganap dakong alas-6:00 ng gabi habang bumabagtas ang nasabing ambulansiya sa liblib na lugar ng Brgy. Poona Japayagan, Tangkal ng nasabing lalawigan.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ang naturang ambulansiya na ineeskortan ng mga kagawad ng pulisya ay kagagaling lamang sa bayan ng Kolambugan, Lanao del Norte patungo sa bayan ng Tangkal upang dalhin dito ang pasyenteng si Mutia ng tambangan ng mga rebelde.

Pinaniniwalaang target kunin ng mga rebeldeng MILF ang mga gamot gayundin ang ilang armas na nasa pag-iingat ng mga escort na pulis kaya’t isinagawa ng mga ito ang pananambang. (Ulat ni Joy Cantos)

ASCAR TANGGOR

CAMP AGUINALDO

CAMP CRAME

JAMAEL MUTIA

JOY CANTOS

KAMPONG GUMACAP

KOLAMBUGAN EMERGENCY HOSPITAL

LANAO

TANGKAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with