2 DPWH opisyal na dinukot, pinalaya na
October 22, 2000 | 12:00am
GENERAL SANTOS CITY Pagkaraan ng mahigit isat kalahating buwan sa piling ng mga abductors, dalawang engineer ng Department of Public Works and Highways (DPWH), Sultan Kudarat na dinukot ang pinakawalan ng mga kidnappers kamakalawa ng madaling araw.
Iprinisinta ni Sultan Kudarat Governor Pax Mangudadatu, tumayong negosyador sa dalawang kidnap na sina Engr. Edwin Morales at Engr. Winifredo Bamboa, residente ng Isulan, Sultan Kudarat at kawani ng DPWH-Sultan Kudarat na nadestino sa bayan ng Polembang, ng lalawigan.
Pinakawalan at iniwan ang dalawang bihag dakong alas-2:30 ng madaling-araw sa boundary ng Maitum, Polembang ng kanilang mga abductors.
Nilinaw ni Mangudadatu na hindi mga kidnap for ransom group ang dumukot sa dalawang engineer, kundi grupo ng mga trabahador na hindi nabigyan ng sahod sa kanilang serbisyo mula 1997 sa isang proyekto na nahinto dahil sa kakapusan ng pondo ng gobyerno. (Ulat ni Teng Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
19 hours ago
Recommended