5 COP sinibak dahil sa jueteng
October 22, 2000 | 12:00am
BATANGAS CITY Limang hepe sa ibat ibang bayan ng Batangas ang sinibak dahil sa patuloy na operasyon ng jueteng sa kanilang nasasakupan.
Sinibak ni Batangas Police Director Florante Baguio sina P/Insp. Narciso Perez ng Sta. Teresita; Chief Insp. Wilfredo Aquino ng Alitagtag; Insp. Pedro Macaraig ng Cuenca; Chief Insp. Flaviano Garcia ng San Pascual at Supt. Gaudencio Masangkay ng Bauan, ngayong nakalipas na Setyembre.
Ipinalit naman ni Director Baguio sina Insp. Noel Sandoval bilang bagong hepe ng Sta.Teresita; Insp. Juan Lanting para sa Alitagtag; Insp. Jonathan Tangonan para sa Cuenca; Supt. Ruben Arade para sa San Pascual at Insp. Ephram Dickson para sa Bauan.
Nagkasundo naman ang lahat ng mga hepe ng Batangas sa harap nina Regional Director Lucas Managuelod at Batangas Governor Hermilando Mandanas na walang masasangkot sa ano mang paraan sa ipinababawal na sugal lalong lalo sa jueteng at kung sino man ang mahulihan ng mga kubrador sa kanilang hurisdikyon ay awtomatikong ilalagay sa floating status. (Arnell Ozaeta)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 24, 2024 - 12:00am