Base sa report na nakarating sa Camp Crame, isa pang sibilyan na nakilalang si Robert Matunog ang nawawala matapos ang isinagawang pananambang ng grupo ng mga rebeldeng komunista sa Bgy. Waque ng nasabing lugar dakong alas-2:00 ng hapon.
Kinilala ng pulisya ang mga nasawi na sina Cesar Bendigo, Benjie Go at isang alyas Jim na ang mga bangkay ay dinala sa Leyte Rural Health Unit.
Gayunman, hindi malinaw sa report kung ang nawawalang sibilyang si Matunog ay dinukot ng mga rebelde.
Sa inisyal na imbestigasyon ang apat ay lulan ng isang Toyota pick-up na may plakang 635 na puno ng mga kargang copra habang patungo sa Brgy. Consuegra sa nasabing munisipalidad nang paulanan ng punglo ng mga rebeldeng NPA.
Hindi na inabutan ng mga nagrespondeng awtoridad ang mga rebelde na mabilis na tumakas sa krimen.
Narekober naman sa pinangyarihan ng insidente ang 104 na basyo ng bala ng M16 rifles, isang basyo ng cal. 45 pistol, isang basyo ng M203 grenade launcher, tatlong rounds ng mga bala ng M14 rifle at siyam na rounds ng M16. (Ulat ni Joy Cantos)