^

Probinsiya

4 Sayyaf sumuko sa militar dahil sa gutom

-
Dahil sa nararanasang gutom sa bundok, nagawang sumuko ng apat na miyembro ng bandidaong grupong Abu Sayyaf sa Task Force Katapat II, matapos na magsagawa ang mga ito ng pagsalakay sa lugar ng Mindanao kamakailan.

Base sa ulat ni Task Force Katapat II Commander, Chief Supt. Romeo Maganto kay National Police Commission (NAPOLCOM) Chairman Alfredo Lim, ang mga sumuko ay nakilalang sina Enong Hamsajin, 44; Sahial Hadjula, 37; Imith Sarri, 27 at Laling Dohgasan, 44, na pawang tubong Kulasi, Maambong Sulu.

Nabatid na nagsagawa ng operasyon at pagsalakay ang nasabing operatiba sa lugar ng Mindanao noong nalalapit na Oktubre 18, kaugnay sa kampanya laban sa mga loose fire arms.

Nabatid na nahihirapan na umano sa katatago at nakakaranas ng matinding pagkagutom sa bundok kung kayat ang apat na miyembro ng Abu Sayyaf ay sumuko sa nasabing mga alagad ng batas sa pamamagitan ng isang Alihalbal Hassan na nagpadala ng surrender feelers sa grupo ni Maganto. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ABU SAYYAF

ALIHALBAL HASSAN

CHAIRMAN ALFREDO LIM

CHIEF SUPT

ENONG HAMSAJIN

IMITH SARRI

LALING DOHGASAN

LORDETH BONILLA

MAAMBONG SULU

MINDANAO

TASK FORCE KATAPAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with