3 biktima ng salvage natagpuan

TAYTAY, Rizal - Tatlong bangkay ng kalalakihan na pinaniniwalaang biktima ng summary execution ang natagpuan sa magkakahiwalay na lugar kamakalawa ng umaga sa Tanay, Morong, at Rodriguez, Rizal.

Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Bryan Jimenez, 30 ng Brgy. Plaza Aldea, Tanay; Robert Macud, 46 ng Palanca St. Quezon City at Rolando Bejilia ng Sitio Kay Patong, Morong.

Ang tatlong bangkay ay nagtamo ng maraming saksak, taga at tama ng bala ng baril sa iba't ibang bahagi ng katawan.

Ayon sa ulat ng pulisya. natagpuan ang mga bangkay sa bakante at madamong lugar sa mga nasabing lugar.

May teorya ang pulisya na sabay-sabay na pinatay ang mga biktima bago itinapon sa tatlong bayan upang lituhin ang mga awtoridad. (Danilo Garcia)

Show comments