Rehab ng Central Mindanao pinabibilisan ni Erap
October 19, 2000 | 12:00am
Hinagupit ni Pangulong Joseph Estrada ang pamunuan ng Department of Labor and Employment-Technical Education and Skills Development, upang pabilisin ang sinasagawang rehabilitasyon sa Central Mindanao na sinasabing may kaugnayan sa sinasagawang pagbisita ng mga kinatawan mula sa Organization of Islamic Countries.
Ayon kay DOLE-TESDA Director General Edicio dela Torre, masyadong nag-aalala ang Pangulo na baka hindi umabot sa kanyang expected target ang sinasagawang rehabilitation program sa nasabing rehiyon matapos ang all-out war na inilunsad laban sa Moro Islamic Liberation Front lalo na ang may kinakaharap ngayong panibagong suliranin ang administrasyon.
Nabatid kay dela Torre na pangunahing suliraning kinakaharap ng kagawaran kaugnay sa mga residenteng naapektuhan ng gulo sa Mindanao ay getting people out of poverty.
Give them job na tila imposibleng sagot ng isang German national na si Franz-Joseph Olef na nasa bansa ngayon upang pag-aralan ang estado ng Dual Training System sa bansa na kasamang nag-introduce nito sa Pilipinas para sa maisulong ang employment rate sa mga mahihirap na mamamayan.
Napag-alaman na sa pamamagitan ng Dual Training na kung saan sa ilalim ng programa ang isang mag-aaral habang nag-aaral sa isang technical school ay nagsasanay na sa mga accredited companies at nakatatanggap na rin ng minimal na pasahod ay nakatitiyak ng isang daang porsyento na magkakaroon ng hanapbuhay matapos na maka-graduate.
Umaasa ang kagawaran na magiging bahagi ito ng positibong sagot ng Mindanao Action Plan para hanguin ang mga mamamayan na naapektuhan ng armadong hidwaan.
Naging karagdagan sa kanilang suliranin ang mahigit 500 miyembro ng MILF na sumuko dahil sa utos ng Pangulo na isama sa kanilang programa ang mga dating rebelde upang hindi na muling maganyak na sumama sa armadong pakikibaka laban sa gobyerno. (Ulat ni Andi Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest