Antipolo Cathedral nilooban
October 18, 2000 | 12:00am
ANTIPOLO CITY Nilooban ng pinaghihinalaang miyembro ng Akyat-Bahay Gang ang Antipolo Cathedral at nakatangay ng tinatayang P20,000 cash na donasyon sa nabanggit na simbahan.
Sa inisyal na imbestigasyon, nadiskubre ang naganap na panloloob dakong alas-5:45 ng umaga sa loob ng naturang cathedral na nasa M.L. Quezon St. Barangay San Jose .
Isang tawag sa telepono ang natanggap ng pulisya mula kay Anastacia Avillana, 71, deboto ng simbahan na siyang nakadiskubre sa naganap na nakawan.
Puwersahan umanong winasak ng mga suspect ang padlock sa likurang pintuan. Matapos makapasok winasak din ng mga ito ang lock sa siyam na donation box sa simbahan na doon nakalagay ang mga pera.
Sinabi naman ng security guard na si Celso Bangalisan, 35, bantay sa simbahan na wala siyang anumang nakitang tao na pumasok sa simbahan. Nasorpresa rin umano siya nang sabihan siya ukol sa nakawan.
Isang malalim na imbestigasyon ang isinasagawa ng pulisya upang matukoy kung sino ang posibleng nagnakaw sa cathedral. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended