^

Probinsiya

Ex-army colonel at driver todas sa ambush

-
Isang retiradong Army Colonel at ang driver nito ang iniulat na nasawi makaraang hagisan ng granada at paulanan ng putok ng baril ng limang armadong kalalakihan na pinaghihinalaang mga rebeldeng NPA ang kanilang sasakyan sa naganap na madugong pananambang sa Surigao del Norte, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Namatay noon din matapos na magtamo ng mga tama ng shrapnel at bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan ang mga biktima na sina ret. Col. Romeo Porcil, kasalukuyang Chief Security Officer ng Manila Mining Corporation at ang kanyang security/ driver na si Alfonso Gloria.

Batay sa ulat na ipinarating kahapon ng Police Regional Office (PRO) 13 sa Camp Crame, dakong alas- 4:45 ng hapon ng harangin ng mga suspect ang kulay abong Mitsubishi pick-up na may plakang UHP 299 na kinalululanan ng mga biktima sa junction ng national Highway, Sitio Mapaso, Barangay Magsaysay.

Dalawa sa mga suspect ang mabilis na bumunot ng baril at pinaulanan ng punglo ang mga biktima, habang tatlo naman sa mga ito na nagsisilbing back-up ang naghagis ng granada sa sasakyan ng mga nasawi .

Binanggit pa sa ulat na kalalabas pa lamang ng opisina ng mga biktima at patungong Tubod, Surigao del Norte ng maganap ang pananambang.

Ang mga ambushers ay mabilis na nagsitakas matapos ang isinagawang pananambang.

Isinasailalim pa sa masusing imbestigasyon ang motibo ng pananambang.

Samantala, patuloy naman ang isinasagawang hot pursuit operations ng mga awtoridad para sa ikadarakip ng mga suspect. (Ulat ni Joy Cantos)

ALFONSO GLORIA

ARMY COLONEL

BARANGAY MAGSAYSAY

CAMP CRAME

CHIEF SECURITY OFFICER

JOY CANTOS

MANILA MINING CORPORATION

NORTE

POLICE REGIONAL OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with