^

Probinsiya

Kotse bumulusok sa bangin: 3 pari grabe

-
CALAUAG, Quezon – Malubhang nasugatan ang tatlong pari matapos na ang sinasakyan nilang kotse ay mahulog sa may 15 talampakang bangin habang binabagtas nila ang Maharlika Highway na sakop ng Barangay Sto. Domingo sa bayang ito, kamakalawa ng umaga.

Ang mga biktima na kasalukuyang ginagamot sa St. Peter Hospital sanhi ng tinamong mga sugat sa ibat-ibang bahagi ng katawan ay nakilalang sina Rev. Ruben Espino, Rev. Joel Baralles at Rev. Francisco Capel na nakatalaga sa ibat-ibang kapilya sa Bicol Region.

Sinabi sa ulat ng pulisya na dakong alas-8 ng umaga ng maganap ang insidente habang ang tatlong pari ay lulan ng isang Toyota Corolla na kotse na minamaneho ni Rev. Tolentino.

Pagsapit sa isang kurbada ay nawalan ng kontrol ang sasakyan at saka bumangga sa isang puno ng niyog at tuloy-tuloy na nahulog sa bangin sa gawing kanan ng kalye.

Mabilis namang sumaklolo ang mga elemento ng 201st Brigade at 42 LAC Phil. Army at iniahon buhat sa bangin ang mga sugatang biktima at dinala sa pinakamalapit na pagamutan.

Napag-alaman pa na ang nasabing mga pari ay patungo sa Bicol Region ng maganap ang aksidente. (Ulat ni Tony Sandoval)

BARANGAY STO

BICOL REGION

DOMINGO

FRANCISCO CAPEL

JOEL BARALLES

MAHARLIKA HIGHWAY

RUBEN ESPINO

ST. PETER HOSPITAL

TONY SANDOVAL

TOYOTA COROLLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with