2 pampasaherong jeep sinuwag ng truck: 1 patay, 50 sugatan
October 16, 2000 | 12:00am
GUINOBATAN, Albay Isa ang nasawi at 50 katao ang nasugatan matapos na ang dalawang pampasaherong jeep na puno ng sakay ay suwagin ng isang delivery truck sa Barangay Kitago sa bayan na ito kahapon ng umaga.
Ang nasawing biktima ay nakilalang si Rosario Maposao, 75, biyuda at residente ng Barangay Bacacay Jovellar, Albay. Samantala, ang mga pangalan ng 50 mga sugatan ay hindi pa maipalabas ng mga awtoridad na pawang mga nakaratay sa Garcia Hospital sa bayang ito.
Mabilis namang tumakas ang di pa nakikilalang driver ng truck matapos na suwagin nang kanyang minamaneho ang dalawang jeep na apaw ng sakay.
Sa inisyal na imbestigasyon, ang insidente ay naganap dakong alas-8:20 ng umaga habang ang delivery truck ay patungong Barangay Mauraro ng nasabi ring bayan at papasalubong sa dalawang pampasaherong jeep na may mga plakang EVF-362 at EVB-605 na pawang puno ng pasahero patungong Poblacion.
Ang truck ay nawalan ng preno ng ito ay pababa sa isang mataas na bahagi ng kalsada kung kaya ito ay sumalpok sa magkasunod na jeep.
Kaagad na isinugod ang mga sugatan ng mga residente na malapit sa pinangyarihan ng aksidente at isinakay ang mga ito sa mga kariton na hila ng kalabaw para ihatid sa naturang pagamutan. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended