36 pang Sayyaf nasakote sa raid
October 15, 2000 | 12:00am
ZAMBOANGA CITY Tinatayang may 36 na miyembro ng bandidong Abu Sayyaf Group ang iniulat na nadakip ng mga tauhan ng Special Warfare Group (SWG) ng militar sa isinagawang raid noong nakalipas na Biyernes sa island village ng Luuk, Sulu.
Ang naturang pagsalakay ay pinalakas ng tropa ng pamahalaan sa kalapit islands ng Sulu matapos silang makatanggap ng ulat na dito naglungga ang mga tumakas na miyembro ng ASG.
Sa ulat na tinanggap ni Lt. Gen. Diomedio Villanueva, chief ng AFP Southern Command na ang raid ay isinagawa ng SWG sa Pucad Manaol, Barangay Bulangsi, sa bayan ng Luuk.
Ang mga bandido ay dito umano nagtago makaraang takasan ang pinalakas na opensiba ng militar sa layuning mabawi ang natitira pang mga bihag.
Sinabi pa sa ulat na sa mga nadakip, 19 dito ay pawang mga lalaki, 10 ay mga babae at 7 ang menor de edad.
Ang mga dinakip ay agad na itinurn-over kay Col. Gene Clemen ng Marine Battalion Landing Team 10 para sumailalim sa tactical interrogation. (Ulat ni Roel Pareño )

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest