P4M puslit na relos nasamsam
October 14, 2000 | 12:00am
OLONGAPO CITY Tinatayang aabot sa P4 na milyon ang halaga ng ibat-ibang uri ng imported na relos na nagmula pa sa bansang China ang nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa isinagawang follow-up operations sa Barangay New Kalalake dito, kamakalawa.
Ayon kay Major Jay Algenio, chief ng Subic Customs Police na ang naturang mga smuggled na imported mens wristwatches na pawang nakapaloob sa 120 malalaking kahon na may asignaturang Southern Comfort ay nasamsam ng mga operatiba dakong ala-1:30 ng hapon lulan sa isang Mitsubishi L-300 van na may plakang WHD-799. Ang bawat kahon ay naglalaman ng 200 piraso ng relos.
Nabatid na ang mga relos ay inilabas mula sa Subic Bay Freeport Zone matapos na ito ay ilabas ng naturang sasakyan sa 14th Bridge gate ng freeport at ito ay nasabat sa panulukan ng 14th St., Barangay New Kalalaki, Olongapo City.
Napag-alaman pa na ang mga nakumpiskang mga smuggled items ay pag-aari ng Indigo Inc., isa sa mga lokal locator ng SBFZ at nabatid na ang mga ito ay pawang mga tax free items. (Ulat ni Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended