Misis todas sa nag-amok na sundalo
October 14, 2000 | 12:00am
Namatay noon din ang isang ginang, habang isa namang miyembro ng Phil. Air Force (PAF) ang nasugatan makaraang mag-amok at walang pakundangang namaril ang isang sundalo bunga ng sobrang kalasingan sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang nasawing biktima na si Lilia Ladja.
Samantalang ang nasugatang tauhan ng PAF ay nakilala namang si 2nd Lt. Raul Linantod na kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa Camp Siongco Station Hospital.
Batay sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Aguinaldo, pasado alas- 11 ng gabi ng bigla na lamang magwala at magpaputok ng baril ang suspect na nakilalang si Airman First Class Suweb Anok. Isang M16 armalite rifle ang pinaputok nito sa loob ng compound ng Composite Tactical Group 12 ng PAF
Nabatid na si Anok ay nasa impluwensiya ng alak ng ito ay magwala.
Tinamaan sa ginawang pagpapaputok si Gng. Ladja na dagliang nasawi. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest