^

Probinsiya

Sulu crisis patapos na ?

-
Unti-unti nang bumabalik sa normal ang pamumuhay sa Sulu kaugnay na rin ng inaasahang pagtatapos ng military assault laban sa mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) na patuloy na bumibihag sa nalalabi pang limang hostages sa nasabing lalawigan.

Sa panayam, sinabi ni Sulu Gov. Abdusakar Tan na bagamat hindi pa tuluyang nababawi ang lahat ng mga bihag ay malaki ang naitulong ng inilunsad na pag-atake ng militar laban sa grupo ng mga bandido upang mapanumbalik ang kapayapaan sa kanilang lugar.

Sinabi ni Tan na nabawasan ang kriminalidad sa Sulu hindi kagaya noong mga nagdaang panahon na hindi nawawalan ng kaso ng mga pagpatay sa loob ng isang araw o kaya naman ay mga bombahan sa kapitolyo ng Jolo.

Tiwala rin ang gobernador na tuluyang mawawakasan ang hostage crisis sa Sulu bago magtapos ang taon.

Sinabi naman ni Major Gen. Narciso Abaya, Commading General ng 1st Infantry Division (ID) at kasalukuyang chief ng Joint Task Force Trident na kakaunti na lamang ang puwersa ng Abu Sayyaf na siya ngayong target ng kanilang misyon.

Samantala, kasalukuyan pa ring napapaligiran ng tropa ng militar ang mga lugar na pinagdalhan sa nalalabi pang mga hostages na kinabibilangan ng black American na si Jeffrey Schilling na sinasabing naipasa na ng grupo ni ASG Spokesman Abu Sabaya sa grupo ni Kumander Mujib Abdurajak; ang orihinal na Sipadan hostage na si Roland Ullah, isang Filipino diving instructor at ang tatlong Malaysians na sina Muhammad Nur Sulaiman; Joseph Jongkinoh at Ken Wee Cheong.

Inaasahan namang marami pang miyembro ng ASG ang magsisisuko sa pamahalaan bunga na rin ng matinding pagkagutom kabundukan. (Ulat ni Joy Cantos)

ABDUSAKAR TAN

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF GROUP

COMMADING GENERAL

INFANTRY DIVISION

JEFFREY SCHILLING

JOINT TASK FORCE TRIDENT

JOSEPH JONGKINOH

JOY CANTOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with