Grupo ng holdapers sa park nabuwag
October 13, 2000 | 12:00am
LUCENA CITY Nabuwag ng pulisya ang isang grupo ng mga kabataang responsable sa panghoholdap sa Quezon Capitol Park at mga mall sa lunsod na ito, makaraang madakip ng mga elemento ng SWAT ang anim na kabataan sa isang sorpresang raid na isinagawa sa kanilang hideout sa Barangay 9, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni Superintendent Roberto Damian, chief of police sa lunsod ang mga nadakip na suspect na sina Celino Lachica, 15; Nardito Boncajes, 20; Antonio Vival, 20 ; Mandy Diocales, 18; Reynaldo Borta, 19 at Edwin Millares, 14, pawang mga out of school youth at kasapi sa Black Spider Gang.
Isinagawa ng mga tauhan ng SWAT ang raid sa hideout ng mga suspect dakong alas- 5:40 ng hapon matapos makatanggap ng tip ang mga awtoridad tungkol sa pinaglulunggaan ng mga suspect.
Nakuha sa pag-iingat ng mga suspect ang tatlong improvized cal. 22 at mga patalim. Ang mga suspect ay kasalukuyang nakapiit sa Lucena City Jail. (Ulat ni Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest