Misis binoga dahil sa pekeng ATM cards
October 12, 2000 | 12:00am
BACOOR, Cavite Kasalukuyang ginagamot sa St. Dominic Hospital ang isang 39-anyos na misis na umanoy miyembro ng sindikato ng pekeng ATM cards matapos itong barilin ng isa sa kanyang mga naging biktima, kamakalawa ng umaga habang nag-aabang ng masasakyan ang una sa Barangay Panapaan ng bayang ito.
Ang biktima na nagtamo ng isang tama ng bala sa dibdib ay kinilalang si Emelda Dumaranan, ng Block 5, Lot 21, Family Village ng nasabing lugar.
Samantalang mabilis namang tumakas ang hindi pa nakikilalang suspect tangay ang ginamit na baril.
Batay sa ibinigay na ulat ni SPO4 Arsenio Gomez, dakong alas-6:45 ng umaga ng maganap ang pananambang habang ang biktima ay nag-aabang ng masasakyan nang lapitan at barilin ng suspect.
Base sa ulat, isa ang biktima sa mga may warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Valria ng Bacoor Municipal Trial Court. Ito umano ay sangkot sa kaso ng Budol-budol, estafa at ang ATM international syndicate.
Malaki ang paniwala ng pulisya na posibleng isa sa mga nabiktima ni Dumaranan ang bumaril sa kanya.
Narekober sa lugar na pinangyarihan ng krimen ang isang empty shell ng cal. 45 na baril na ginamit ng suspect. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended