^

Probinsiya

Barilan sa korte: 3 katao patay

-
CAMP VICENTE LIM, Calamba – Tatlong katao, kabilang dito ang isang barangay chairman ang kumpirmadong nasawi sa madugong barilan na naganap sa loob ng Municipal Trial Court sa Carmona, Cavite, kahapon ng umaga.

Samantalang nadakip naman ng mga awtoridad ang tatlong kasamahan ng dalawang nasawing gunmen.

Sa spot report na nakarating sa tanggapan ni Chief Superintendent Lucas Managuelod, PRO4 director nakilala ang nasawing barangay chairman na si Roberto Desalit, ng Barangay Bangkal, Carmona, Cavite.

Si Desalit ay patay na nang idating sa Perpetual Help Hospital bunga ng tinamo nitong mga tama ng bala ng baril sa ibat-ibang bahagi ng katawan.

Nakilala naman ng mga awtoridad ang nasawing mga suspect na si Leo Magallon at Rosauro Abano.

Ang dalawang suspect ay nasawi noon din matapos na makipagpalitan ng putok sa mga nagrespondeng awtoridad.

Kasalukuyan namang nakapiit sa himpilan ng Carmona Police Station ang tatlong kasamahan ng dalawang nasawing suspect na nakilalang sina Cesar Pabillo, Flamiano Menta at Dennis Rivera.

Nabatid na si Desalit ay dumating sa korte dakong alas-9:30 kahapon ng umaga para dumalo sa isang pagdinig. Bigla umanong dumating ang mga suspect at walang sabi-sabing pinagbabaril ang biktima na agarang bumulagta sa loob ng nasabing korte.

Patakas na ang mga suspect nang masalubong ang mga nagrespondeng tauhan ng pulisya. Ilang sandaling nagkaroon ng habulan at pagpapalitan ng putok hanggang sa mabaril ang dalawa sa mga suspect at naaresto rin ang tatlo pang kasamahan ng mga ito.

Hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pang inaalam kung ano ang motibo sa isinagawang pagpaslang sa biktima. (Ulat nina Ed Amoroso at Mading Sarmiento)

BARANGAY BANGKAL

CARMONA

CARMONA POLICE STATION

CAVITE

CESAR PABILLO

CHIEF SUPERINTENDENT LUCAS MANAGUELOD

DENNIS RIVERA

ED AMOROSO

FLAMIANO MENTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with