^

Probinsiya

Chief of police, tauhan sinibak sa 'kotong'

-
Isang chief of police ang sinibak sa serbisyo kasama ang isang tauhan nito makaraang masangkot umano sa mga aktibidades ng pangingikil sa isang ferry boat terminal sa lalawigan ng Northern Samar.

Napatunayang nagkasala sa kasong grave misconduct sa naganap na summary dismissal proceedings sina SPO4 Amy Cajandab, chief of police ng Allen Municipal station at si SPO3 Alfonso Rarela head ng Allen Police Assistance Office (APAO) sa Ferry Terminal sa Brgy. Looc, ng nabanggit na lalawigan.

Sa ulat na ipinarating ni Chief/Supt. Efren Fernandez, PRO-Director ng Eastern Visayas, ang sanction laban kina Cajandab at Rarela ay may kaugnayan sa kampanya ng kabuuang PNP na madisiplina.

Ayon kay Fernandez, ang APAO ay pinamumunuan ni Rarela na nakatalaga sa loob ng pribadong pier na walang awtoridad mula sa mga operators ng pribadong pag-aari ng port.

Ayon sa mga nagrereklamong motorista, kinakailangang pang idaan ang kani-kanilang mga sasakyan sa APAO para sa inspeksyon, stamping at payment ng mga fees bago ito maisakay sa mga ferry boats patungong Sorsogon.

Dahil sa kawalan ng aksyon at hindi maihinto ni Cajandab ang umano’y mga iregularidad sa APAO, napatunayang ang una ay nagkasala sa doktrina ng "command responsibility". (Ulat ni Jhay Mejias)

vuukle comment

ALFONSO RARELA

ALLEN MUNICIPAL

ALLEN POLICE ASSISTANCE OFFICE

AMY CAJANDAB

AYON

CAJANDAB

EASTERN VISAYAS

EFREN FERNANDEZ

FERRY TERMINAL

JHAY MEJIAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with