Kinilala ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Panfilo M. Lacson ang nahuling suspect na si Nilo A Oabel.
Ang pag-aresto sa suspect ay bunsod ng reklamong natanggap ng Action Center ng Task Force mula kina Angeli O. Mendoza, representative ng Capital Insurance at Emma Lojo, sekretarya ni Wilma Ramos, representative ng Industrial Insurance Company Inc. hinggil sa panghihingi ng lagay ng naturang tiwaling LTO officer.
Si Oabel ay inaresto ng mga elemento ng PAOCTF sa aktong tumatanggap ng P400 marked money mula sa mga kliyenteng sina Mendoza at Lojo.
Nabatid na si Oabel ay humihingi ng P50 sa bawat nagpaparehistro ng sasakyan at release ng sticker nito, habang P100 naman ang sinisingil nito sa pagpapalit ng rehistro ng sasakyan sa ibang sangay ng LTO.
Una rito, nagsampa ng reklamo si Mrs. Wilma Ramos ng Industrial Insurance noong April 18, 2000 para sa 7 insurance companies; Security Pacific, Commonwealth, Times Surely, Capital Insurance and Wellington Insurance at ito ay sinundan pa ni Angeli Mendoza noong Oktubre 4, 2000.
Sa kasalukuyan ay isinasailalim na sa masusing imbestigasyon ng Legal and Investigaton Division (LID) ng Task Force ang nadakip na abusadong LTO official habang inihahanda na ang pagsasampa ng kaukulang kasong kriminal laban dito. (Ulat ni Joy Cantos)