Misis, 2 anak minasaker ng ama
October 8, 2000 | 12:00am
Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng isang padre de pamilya ang kanyang sariling asawa at dalawang anak, habang kasalukuyan namang agaw buhay sa pagamutan ang isa pa nitong 3-anyos na anak bunga lamang ng matinding selos kahapon ng madaling araw sa lalawigan ng Marinduque.
Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Matilde Jose, 44, dentista at dalawang anak nitong sina Aizel, 10 at Joyce, 7, makaraan itong pagsasaksakin ng suspect na si Danilo na nagpakamatay rin makaraang isagawa ang krimen.
Samantala, agaw-buhay naman ang isa pa nitong anak na si Dan Mark, 3, makaraang himalang makaligtas sa tinamong tatlong saksak sa dibdib at isa sa likod.
Base sa ulat mula kay Chief Insp. Macario Absalon ng Sta. Cruz PNP, naganap ang insidente dakong alas-5 ng umaga kahapon sa loob mismo ng tahanan ng mga biktima sa Brgy. Kilo Kilo, Sta. Cruz sa nasabing lalawigan.
Isa naman sa tinitingnang anggulo sa ngayon ng mga awtoridad ay ang posibilidad na matindi ang pagseselos ng suspect makaraang makadinig umano ito ng ilang mga tsismis na may kalaguyong iba ang kanyang asawa.
Sa kasalukuyan ay nagsasagawa ng isang masusing imbestigasyon ang mga kagawad ng Sta. Cruz police upang alamin kung ano ang nagbunsod upang magawa ng isang ama ang karumal-dumal na krimen laban sa kaniyang mag-iina.
Subalit naniniwala naman ang awtoridad na posibleng lango sa ipinagbabawal na gamot ang suspect dahil na rin sa istilo ng pagpatay na ginawa nito.(Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am