^

Probinsiya

3 katao dinukot bago pinatay

-
KAWIT, Cavite – Tatlo katao, dalawa dito ay magkapatid na pinaniniwalaang pawang biktima ng summary execution, ang natagpuang tadtad ng tama ng bala sa katawan at ulo sa may Barangay Toclong sa bayang ito matapos na ang mga ito ay sabay-sabay na dukutin, kamakalawa ng madaling araw sa Cavite City.

Ang mga biktimang kinakitaan ng sobrang pahirap sa kanilang mga katawan ay kinilala ni Superintendent Victorino Caseres, hepe ng pulisya sa bayang ito na sina Jose Alcantara, 32, tricycle driver; Michael Filipinas, 32 at ang kapatid nitong si Daniel Filipinas, 30, pawang mga residente ng Barangay San Roque, Cavite City.

Batay sa isinagawang imbestigasyon ni SPO4 Margarito Alba, may hawak ng kaso, dakong alas-6:50 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng tatlo na pawang nakahandusay sa kalsada ng nasabing lugar.

Ang mga nasawi ay pawang nagtamo ng mga tama ng bala ng baril sa katawan at ulo. Nakaposas din ang mga kamay nito.

Nabatid na ang tatlo ay dinukot ng hindi pa nakikilalang mga salarin sa Cavite City at sa bayang ito pinaslang at saka iniwan.

Ayon sa mga residente, dakong alas-5 ng madaling araw nang marinig nila ang sunod-sunod na putok ng ibat-ibang klase ng baril, gayunman natakot silang lumabas ng bahay kung kaya nang tumigil ito ay saka lamang nila nakita ang nakabulagtang mga bangkay ng mga biktima.

Malaki ang paniwala ng pulisya na matindi ang galit ng mga salarin, dahil na rin sa lubhang pahirap ang dinanas ng mga biktima sa kamay ng mga ito.

Narekober sa lugar na pinangyarihan ng krimen ang ibat-ibang basyo ng bala ng cal. 45 at M-16 rifle.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ukol dito.(Ulat ni Cristina Go-Timbang)

BARANGAY SAN ROQUE

BARANGAY TOCLONG

CAVITE CITY

CRISTINA GO-TIMBANG

DANIEL FILIPINAS

JOSE ALCANTARA

MARGARITO ALBA

MICHAEL FILIPINAS

SUPERINTENDENT VICTORINO CASERES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with