Nakilala ang suspect na si Cellico Camaso, 47, residente ng Blk. 11 Lot 13 Catleya st., Phase 1 Antipolo Hills, Brgy. Sa Luis ng lungsod na ito. Mabilis itong tumakas matapos ang pamamaslang dala ang kanyang kalibreng baril.
Hindi naman umabot na ng buhay sa Antipolo Doctors Hospital ang biktimang si Jasper Joseph Cabrera, 24, binata. Nagtamo ito ng isang tama ng bala sa kanyang dibdib sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.
Sa rekord ng pulisya, nabatid na umuwing lasing ang suspect sa kanilang bahay dakong alas-9 ng gabi. Nanonood ng telebisyon ang biktima nang abutan ng suspect at paalisin ito sa kinauupuan.
Nainis umano ang biktima sa magaspang na inasal ng lasing na ama-amahan at pinuna ito. Dito na pinagmumura ng suspect si Cabrera hanggang sa magkasagutan ang dalawa.
Isang putok naman ng baril ang narinig ng mga kapitbahay at nakitang mabilis na umalis ng bahay ang suspect. (Ulat ni Danilo Garcia)