Jeep sumalpok sa puno: 2 patay, 6 sugatan
October 5, 2000 | 12:00am
GUIGUINTO, Bulacan Dalawa katao ang iniulat na nasawi at anim naman ang dinala sa ibat-ibang pagamutan, makaraang sumalpok sa isang malaking puno ang kanilang sinasakyang owner type jeep habang binabagtas ng mga ito ang kahabaan ng North Luzon Expressway sa Barangay Tabe ng bayang ito, kamakalawa ng umaga.
Patay na nang idating sa pinagdalhang pagamutan sina Benjamin Manalang at Corazon Elizan, samantalang nasa kritikal na kalagayan ang anim pang kasama nito.
Sa inisyal na ulat na tinanggap ni Chief Inspector Jesus Surio Reyes, hepe ng pulisya sa bayang nabanggit, nabatid na binabagtas ng owner type jeep na minamaneho ni Roberto Lagman ang kahabaan ng Expressway patungong Norte nang bigla na lamang umanong sumabog ang isa sa unahang gulong nito na nagresulta upang ang manibela nito ay mawalan ng kontrol.
Hindi na umano nakabig pa ng driver ang manibela kung kaya tuluy-tuloy na bumangga ang sasakyan sa malaking puno na nagresulta naman sa pagkasawi ng dalawa sa mga pasahero nito.
Samantala, sa Indang Cavite, isa ring estudyante ang kumpirmadong nasawi, samantalang tatlo pa niyang kasamahan ang nasa malubhang kalagayan makaraang bumangga ang sinasakyan din nilang owner type jeep sa isang puno ng mangga, kamakalawa ng gabi sa Barangay Calumpang Cerca ng bayang ito.
Namatay noong din ang biktimang nakilalang si Archibald Peñaflorida, 14, 2nd year high school student.
Samantalang nasa malubhang kalagayan sina Rea Mojica, 14; Dianna Metias, 15 at Abdul Feranil, pawang mga estudyante sa Saint Gregory Academy sa nabanggit na bayan.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-7 ng gabi habang ang mga biktima ay lulan ng naturang jeep na minamaneho ni Feranil nang bigla itong mag-overtake sa isang malaking sasakyan na nagresulta upang mawalan ito ng kontrol at bumangga sa isang puno ng mangga sa tabi ng kalsada.
Dahil sa lakas nang pagkabangga namatay noon din si Peñaflorida.
Ang tatlong sugatan ay ginagamot ngayon sa Dela Salle University Medical Center. (Ulat nina Efren Alcantara at Mading Sarmiento)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest