Panelo hinamon si Imee na maghain ng impeachment complaint vs Pangulong Marcos Jr.

MANILA, Philippines — Upang makumbinsi umano siya sa mga ginagawa ni Senadora Imee Marcos ay hinamon ni dating Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na maghain ito ng impeachment complaint laban sa kapatid na si Pangulong Bongbong Marcos.
Ani Panelo, namamangka sa dalawang ilog si Sen. Imee dahil nais lamang umano nito na makakuha ng boto mula sa mga tagasuporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Kaugnay ito sa isinagawang pagdinig ng senadora kamakailan tungkol sa pag-aresto kay Duterte at pagkalas niya sa Alyansa Para sa Bagong Pilipinas ng administrasyon.
“Kung talagang mali ang ginawa ng gobyernong ito at ang puno ng gobyerno ay iyong kapatid, maghain ka ng impeachment laban sa kapatid mo. Sapagkat ‘yan ay culpable violation of the Constitution,” giit ni Panelo.
“Kung gusto mong maniwala ako sa’yo, sa ginagawa mo, idemanda mo. Ikaw mismo ang magdemanda sa mga pulis na lumabag sa batas,” dagdag pa niya sa isang media forum nitong Huwebes, Marso 27.
- Latest