^

Police Metro

Kapakanan ng barangay officials, suportado ni Romualdez

Joy Cantos - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Kapakanan ng barangay officials, suportado ni Romualdez
Ito ang tiniyak ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa mga opisyal ng barangay sa kanyang mensahe nitong Miyerkules sa harap ng mga miyembro ng Liga ng mga Barangay ng Pilipinas-Tacloban Chapter na sumasailalim sa apat na araw na komprehensibong pagsasanay sa Citystate Tower Hotel sa Ermita, Maynila.
House of Representatives Facebook page

MANILA, Philippines — “Matibay na suporta ng Kamara de Representantes sa pagpapalakas ng kanilang kakayahan sa paglilingkod at pagtaguyod ng kanilang kapakanan”.

Ito ang tiniyak ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa mga opisyal ng barangay sa kanyang mensahe nitong Miyerkules sa harap ng mga miyembro ng Liga ng mga Barangay ng Pilipinas-Tacloban Chapter na sumasailalim sa apat na araw na komprehensibong pagsasanay sa Citystate Tower Hotel sa Ermita, Maynila.

“The House of Representatives, under my leadership, is committed to giving barangay officials the dignity and support you deserve. Hindi namin kayo pababayaan, dahil hindi niyo rin kami iniwan,” ani Romualdez.

Binigyang-diin ni Speaker Romualdez na ang mga opisyal ng barangay ang gulugod ng pamahalaan na unang tinatakbuhan ng tao na unang sumasalo sa problema.

Kinilala rin ni Speaker Romualdez ang mabigat na tungkulin ng mga opisyal ng barangay, kabilang ang disaster response, pagpapatupad ng batas, financial management, at mga usaping panlipunan.

Ibinahagi rin ni Romualdez ang ilang panukalang batas sa Kamara na naglalayong pagandahin ang kalagayan ng mga opisyal ng barangay at bigyan sila ng kinakailangang suporta.

Aniya, ang pagsasama ng mga opisyal ng barangay sa SSS ay titiyak na sila ay makatatanggap ng life insurance, disability benefits, at lifetime pension. Magna Carta for Barangays.

FERDINAND MARTIN G. ROMUALDEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with