Bato nanindigan, hindi susuko!

MANILA, Philippines — Nanindigan si Senador Ronald Dela Rosa na hindi susuko sakaling mag-isyu na ng arrest warrant laban sa kanya ang International Criminal Court (ICC).
Hypothetical? Hindi ako magpahuli. Hindi ako sasama. Hindi ako magpahuli,” saad ni Dela Rosa sa isang radio interview.
Kasabay nito, nanindigan din si Dela Rosa na hindi lalabas ng Pilipinas dahil dito ang kanyang comfort zone.
“Hindi ako lalabas sa aking comfort zone. My comfort zone sa Philippines. Bakit ako pupunta sa ibang bansa? Dito ako sa Pilipinas. Dito ako pinanganak. Dito ako mamamatay sa bansa kong sinilangan,”sinabi pa ng Senador.
Ang pahayag ay ginawa ni Dela Rosa, matapos ang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kasong crime against humanity kaugnay sa madugong drug war ng kanyang administrasyon.
Si Dela Rosa ang noon ay Chief of Police ng Philippine National Police (PNP) sa panahon ng termino ni Duterte.
- Latest