^

Police Metro

Mag-ama galing court hearing, itinumba

Ed Amoroso - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Mag-ama galing court hearing, itinumba
Ang mag-ama na pawang nagtamo ng mga tama ng bala sa bahagi ng katawan mula sa kalibre 45 na agarang ikinasawi ay sina alyas Samuel 35, barangay tanod, ng Barangay Bunducan Nasugbu, Batangas at alyas Francisco, 57, may-asawa, magsasaka, ng Sitio Dalig Barangay Bunducan ng nabanggit na lalawigan.
Google Maps

MANILA, Philippines — Kapwa nasawi ang isang mag-ama nang pagbabarilin ng hindi nakikilalang gunman matapos na dumalo sa court hearing, kahapon sa Barangay Putat, Nasugbu, Batangas.

Ang mag-ama na pawang nagtamo ng mga tama ng bala sa bahagi ng katawan mula sa kalibre 45 na agarang ikinasawi ay sina alyas Samuel 35, barangay tanod, ng Barangay Bunducan Nasugbu, Batangas at alyas Francisco, 57, may-asawa, magsasaka, ng Sitio Dalig Barangay Bunducan ng nabanggit na lalawigan.

Sa inisyal na report kay PBGen. Paul Kenneth T. Lucas Regional Director ng PRO4 Calabarzon, alas-10:52 ng umaga kahapon habang ang mag-ama na lulan ng Rusi Motorcycle na may plakang AU31433 kung saan papauwi na sila sa kanilang bahay matapos na dumalo sa court hea­ring sa RTC Branch 14, sa Nasugbu, Batangas.

Habang tinatahak ang kahabaan ng naturang lugar ay bigla umanong pinagbabaril ang mga biktima ng hindi nakikilalang gunman na mabilis na tumakas sa hindi matukoy na direksyon.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang 3 pirasong fired cartridge cases at 1 live ammunition ng caliber 45.- Joy Cantos, Cristina Timbang

KRIMEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with