^

Police Metro

SolGen Guevarra ‘di pinagbibitiw ni Marcos - Malacañang

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi umano hiningi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbibitiw sa puwesto ni Solicitor General Menardo Guevarra.

Ito ang sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Pa­lace Press Officer Claire Castro na nagawa niyang makausap ang Pa­ngulo sa bagay na ito at ang sinabi lamang aniya ng Pangulo sa kanya na: “Hindi ko hinihingi ang pagreresign niya.”

Marami umano ang nadismaya sa ginawang pagtanggi ni Guevarra na maging kinatawan ng gobyerno sa petitions for habeas corpus na isinampa sa korte suprema ng mga anak ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Samantala, dahil sa pagtanggi ni Guevarra na maging kinatawan ng gobyerno ay sinalo naman ng Department of Justice na tumayo at naging Legal Counsel ng pamahalaan laban sa mga inihaing petition for habeas corpus ng mga anak ni dating Pa­ngulong Duterte sa Korte Suprema.

Kinumpirma ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na naisumite na nila ang mga komento sa petisyon matapos makakuha ng ‘go signal’ mula kay ­Executive Secretary Lucas Bersamin.

Ito ay matapos tumanggi si Solicitor General Menardo Guevarra na ma­ging kinatawan ng gob­yerno sa mga pestisyon nina Veronica “Kitty” Duterte, Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte, at Davao City Representative Paolo “Pulong” Duterte.

FERDINAND MARCOS JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->