^

Police Metro

Media literacy kailangan para labanan ang ‘fake news’

Joy Cantos - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

MANILA, Philippines — Sa paglaganap ng mga fake news kasabay ng mga modus na bumibiktima sa mga nagtatrabaho at naghahanap ng trabaho sa pamamagitan ng mga scam job advertisements at recruitments, binigyang-diin ng TRABAHO Partylist ang mahalagang papel ng media literacy at ang paglaban sa fake news bilang bahagi ng pagsulong ng nation-building at paglikha ng mga trabaho.

Sinabi ni Atty. ­Mitchell-David L. ­Espiritu, tagapagsalita ng TRABAHO Partylist, binigyang-diin ng partido na mahalaga ang paglaban sa fake news upang matiyak na ang mga pambansang programa at inisyatibo para sa pag-unlad ay hindi maaabala ng maling impormasyon.

Bilang bahagi ng kanilang agenda, layunin ng TRABAHO Partylist na palakasin ang mga polisiya na magtutuldok sa pagkalat ng fake news habang isinusulong ang responsableng pagkonsumo ng media.

Sa layuning ito, nanawagan ang partido sa mga ahensya ng gobyerno, pribadong sektor, at mga institusyon ng edukasyon na magtulungan sa pagpapalaganap ng media literacy bilang isang mahalagang kasanayan sa buhay.

Sa pamamagitan ng pagbibigay-kapangya­rihan sa isang bansang may kaalaman sa media, naniniwala ang TRABAHO Partylist na makakapagtayo ang Pilipinas ng isang mas matatag at mas malakas na ekonomiya na magbibigay ng makabuluhan at makatarungang oportunidad sa trabaho para sa lahat.

PARTYLIST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with