^

Police Metro

Marcos atbp makakasuhan sa ‘grand conspiracy’ sa pagkidnap kay Duterte

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Marcos atbp makakasuhan sa �grand conspiracy� sa pagkidnap kay Duterte
Lumagda kahapon at nagbigay ng mensahe ang mga supporters ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa isang Solidarity Wall sa Dagupan City maliban sa isinagawa nilang prayer rally noong Sabado ng gabi at hiniling na pauwiin na sa bansa ang dating pangulo na nasa kustodiya ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands.
Cesar Ramirez

MANILA, Philippines — Posibleng maharap sa kasong kriminal sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., National Security Adviser Eduardo Año, Defense Secretary Gilbert Teodoro, at DILG Secretary Jonvic Remulla matapos ibunyag mismo ni Remulla ang kanilang direktang partisipasyon sa isang operasyong suportado ng gobyerno upang dukutin at ipatapon sa ibang bansa si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte (PRRD).

Ayon kay Atty. Raul Lambino, ito ay isang “grand conspiracy” kung saan sangkot mismo si Marcos Jr. at kanyang mga gabinete sa isang ilegal at planadong operasyon upang sapilitang alisin si Duterte sa bansa.

Iginiit ni Lambino na mismong mga pahayag ni Remulla ang nagpatunay na may sabwatan sa likod ng isang kriminal na hakbang na maituturing na kidnapping, isang mabigat na kasong may kaukulang parusa sa ilalim ng batas ng Pilipinas.

Paliwanag ni Lambino, binasag ng pahayag ni Remulla ang naunang pagtanggi ni Marcos Jr., patunay na matagal nang pinagplanuhan ang pagdukot kay Duterte.

“Maliwanag na maliwanag yung kanilang sinasabi. Si BBM, sabi niya na wala siyang alam at na hindi siya nag-cooperate, yun pala pinlano na nila nang matagal ‘to at talagang gagawin nila ang lahat na mawala sa Pilipinas si PRRD.”

RODRIGO ROA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->