100K Waray, nagpakita ng suporta kay Pangulong Marcos at Alyansa senatorial bets

MANILA, Philippines — Nagpaabot ng pasasalamat ang ilan sa lider ng Kamara sa mainit na suportang ipinakita ng mga Waray kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., at Alyansa Para sa Bagong Pilipinas senatorial bets sa kanilang pangangampanya sa Leyte nitong Biyernes.
Sa pagtaya ng Tacloban City police, aabot sa 100,000 ang dumalo sa APBP rally sa Tacloban City.
Ayon kay Speaker Martin Romualdez, ang pagkakaisang ipinakita ng Eastern Visayas ay patunay na buo ang suporta ng rehiyon sa liderato ni Pangulong Marcos Jr.
“Hindi lang ito isang rally—ito ay isang paninindigan na ipagpapatuloy natin ang mga repormang magpapalakas sa ating ekonomiya at magbibigay ng mas magandang kinabukasan para sa bawat Pilipino,” paglalahad ni Romualdez.
Paghimok ng House leader sa mga botante na suportahan ang buong Alyansa slate na siyang tutulong sa Pangulo para mapabilis ang progreso ng bayan.
Kabilang sa mga kandidato ng Alyansa sina House Deputy Majority Leader for Communications at dating Social Welfare and Development Sec. Erwin Tulfo ng ACT-CIS, dating Interior Secretary Benhur Abalos, Makati City Mayor Abby Binay, Senator Ramon Bong Revilla, Senator Pia Cayetano, former Senator Panfilo “Ping” Lacson, Senator Lito Lapid, Senator Imee Marcos, dating Senator Manny Pacquiao, dating Senate President Vicente “Tito” Sotto III, Senator Francis “Tol” Tolentino, at Deputy Speaker Camille Villar.
Maging si Assistant Majority Leader at Tingog party-list Rep. Jude Acidre ay nagpasalamat sa mga kapwa Taclobanon at Leyteño sa ipinakitang suporta para sa Alyansa.
- Latest