^

Police Metro

Unibersidad nasunog: Babae natupok

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang babae ang nasawi sa sunog na sumiklab sa Laguna State Polytechnic University sa bayan ng Santa Cruz, kamakalawa ng tanghali.

Inaalam pa ng pulisya kung estudyante o guro ang babaeng natupok sa sunog at isinailalim na sa DNA ang biktima upang makilala ito.

Sa ulat ng pulisya, alas-12:50 ng hapon nang sumiklab ang sunog sa loob ng College of Arts and ­Sciences Building ng Laguna State Polytechnic University. Tuma­gal ng mahigit 3 oras bago tuluyang naapula ang apoy at bumulaga sa banyo ng ikalawang palapag ng eskwelahan sa room ng College of Arts and Sciences ang tupok na katawan ng isang babae.

Inalaam pa din ang posibleng pinagmulan ng sunog kung saan ito nagsimulang sumiklab.

SUNOG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->
ad