^

Police Metro

Tapyas-presyo sa petrolyo arangkada ngayong araw

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ngayon unang linggo ng Marso sinalubong ng bawas-presyo ang produktong petrolyo epektibo ngayong umaga.

Sa abiso ng mga kompanya ng langis sa bansa na pinangunahan ng Pilipinas Shell, Petron Corporation, Seaoil, PTT Philippines, Total Philippines, Unioil, Petro Gazz, Caltex (CPI) at Phoenix Petroleum, magpapatupad sila ng bawas-presyo na P0.90 sa kada litro ng gasolina, P0.80 sa kada litro ng diesel at P1.40 naman sa kada litro ng kerosene na magi­ging epektibo alas-6:00 ngayong umaga.

May bawas-presyo rin sa mga nasabing produktong petrolyo sa kaha­lintulad na halaga ang kompanyang CleanFuel na magiging epektibo bukas ng alas-8:01 ng umaga.

Ang ipatutupad na rollback sa mga produktong petrolyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang merkado.

OIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->