‘Alyansa’ senatorial bets dehins dinampot kung saan-saan lang
DUMAGUETE CITY, Philippines — Ipinagmamalaki ng mga pambato ng administration-backed Alyansa Para sa Bagong Pilipinas na ang kanilang ticket ay may kongkretong magagawa para sa Pilipinas sakaling mahalal na mga bagong senador sa paparating na midterm elections sa Mayo.
Ipinagdiinan ni ACT-CIS Partylist Representative at former Social Welfare Secretary Erwin Tulfo na ang kanilang koalisyon ay may klaro at matatag na mga isusulong na batas para sa ikauunlad ng sambayanang Pilipino at hindi basta-basta pinulot lamang kung saan.
Kumpiyansa ang buong ‘Alyansa’ na maduduplika rin nila sa Negros Oriental ang tagumpay ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. noong 2022 national elections, at makakakuha ng todong suporta sa mga botante rito.
Si dating Senator Manny Pacquiao, kumpiyansa ring makakakuha ng malaking suporta mula sa Negros at maging si dating Senate President Vicente “Tito” Sotto III, maganda ang nakikitang tsansa ng ‘Alyansa’ sa Negros Oriental.
Sang-ayon naman si dating DILG Secretary Benhur Abalos na makukuha nila ang matamis na ’oo’ ng mga taga-Negros. Sa panig nina Deputy Speaker Camille Villar at Makati City Mayor Abby Binay, optimistiko rin silang makukuha ang boto ng mga taga-Negros.
- Latest