Willie Ong umatras na sa 2025 senatorial race

MANILA, Philippines — Pormal nang inanunsyo ni Doc Willie Ong ang kaniyang pag-atras sa 2025 senatorial race.
Kahapon ay inihayag ni Ong ang kaniyang pag-atras, dahil nais nito na mas pagtuunan ng pansin ang kaniyang kalusugan.
“I am officially withdrawing my candidacy for the 2025 elections. So I can focus more on taking care of my health.”
Pinasalamatan naman ni Ong ang mga sumusuporta at nagdarasal para sa kaniya.
“I will continue to support good governance and the candidates who espouse the same ideals as mine.”
“Thank you for your understanding. God bless you all,” dagdag pa ni Ong.
Kamakailan lang, si AGRI party-list Rep. Wilbert Lee naman ang umatras sa 2025 senatorial race.
- Latest