^

Police Metro

Bunso na humihingi ng tawad sa kuya, pinatay

Doris Franche-Borja - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Bunso na humihingi ng tawad sa kuya, pinatay
Illustration map of Cebu City.

MANILA, Philippines — Hindi sukat ng isang lalaki na ang paghi­ngi nito ng tawad sa nagawang kasalanan sa kanyang kuya ang magiging dahilan pa ng kanyang kamatayan matapos siya ay pagsasaksakin naganap, kamakalawa ng gabi sa Sitio Cantisang, Barangay Paril, Cebu City.

Ang nasawing biktima dahil sa saksak sa dibdib ay kinilalang si Joeniffer Jopia, 45-anyos.Habang ang suspek  ay ang kuya nito na si  Narciso Jopia, 50-anyos.

Sa salaysay sa pulisya ng pinsan na si Alvin Alibyo, bandang alas-9:00 ng gabi ay duma­ting si Joeniffer sa bahay ng kapatid at humihingi ng tawad sa nagawang kasalanan.

Subalit sa halip na patawarin ng kuya ay sinabihan nitong umalis na, kaya naman ay tinangkang eskortan ni Alibyo si Joeniffer paalis.

Nagmamatigas ito na umalis kaya muling binalikan ang kuya para hingin ang kapatawaran, subalit kinabahan umano si Narciso dahil sa ito ay naka­suot ng jacket at hinihinala na may dalang patalim at siya ay saksakin.

Kaya naman ay kinuha nito ang nakatagong patalim at sinaksak ang kapatid sa dibdib ng ma­raming beses sa dibdib.

Agad naman sumuko si Narciso sa Talamban Police Station at sinabi na sobrang agresibo ang kapatid na humihingi ng tawad sa kanilang hindi pagkakaunawaan noon.

Nagsisisi ng labis si Narciso sa ginawang pagpatay sa kapatid. Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa kaso.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with