^

Police Metro

15 tripulante ng oil tanker timbog sa ‘Paihi’

Ludy Bermudo - Pang-masa
15 tripulante ng oil tanker timbog sa âPaihiâ
Motor tankers Tritrust and Mega Ensoleile are in the custody of the Bureau of Customs for alleged involvement in fuel smuggling, at the Navotas fish port.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Nasa 15 katao ang inaresto ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) nang maaktuhan sa kanilang operasyon na “paihi” o paglilipat ng smuggled diesel sa tanker truck mula sa barko sa Mariveles, Bataan, Biyernes ng madaling araw.

Ayon sa ulat kay NBI Director Jimmy Santiago, walo ang tripulante ng barko kabilang ang isang kapitan na wala umanong lisensya at unang pagkakataon pa lang maglayag ng barko na ginamit sa paghakot ng diesel mula sa isang mas malaking barko na pinupuntahan sa laot.

Ang lima pang dinakip ay pawang mga truck driver naman na pinaglipatan ng diesel.

Madaling araw nang maaktuhan ng mga ahente ng NBI ang operasyon sa paglilipat ng diesel at nakuhang ebidensya ang mga nakasalansan na mga hose na nakakabit sa barko,
Inaalam pa lung saang bansa galing ang puslit na diesel na ang distributor ay isang barko na may markings na Chinese characters.

Kasama rin ng NBI ang Bureau of Customs (BOC) na kumuha ng sample para sa pagbuo ng isasampang kaso kaugnay sa pagpapalusot sa pagbabayad ng buwis.

NBI

PAIHI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with