^

Police Metro

Pangulong Marcos pinasalamatan, PNP solid kay Marbil

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinasalamatan ng Philippine National Police (PNP), kabilang ang lahat ng Police Regional Offices (PROs), National Support Units (NSUs), PNP Corps of Officers, at PNPA Lakans, si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa muling pagtitiwala kay PNP chief, General Rommel Francisco Marbil kasunod ng pagpapalawig ng termino nito hanggang Hunyo.

“This decision reflects the Commander-in-Chief’s firm commitment to strengthening law enforcement and upholding discipline, integrity, and accountability within the ranks of the PNP,” ayon sa pahayag na pirmado ng matataas na opisyal ng PNP.

Binibigyang-diin ng PNP na sa loob ng 10 buwang pamumuno ni Marbil, malaki ang na­ging progreso ng orga­nisasyon sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa buong bansa kung saan malaki ang pagbaba ng krimen, mabilis na pagtugon o responde sa mga banta at mas matatag na ugnayan ng pulis at komunidad sa pamamagitan ng police visibility.

“By embracing modern policing strategies and technological innovations, Gen. Marbil has greatly enhanced the PNP’s capability to address evolving security challenges, crea­ting safer communities and a more resilient nation,” ayon pa sa pahayag.

Tiniyak ng PNP na patuloy na ipatutupad ang batas para sa kapakanan ng mga pulis at publiko habang napapanatili ang dangal ng organisasyon.

Sa prinsipyo ni Marbil na “Sa Bagong Pilipinas, Ang Gusto Ng Pulis, Ligtas Ka!” tiniyak ng PNP na mananatili ang katapatan ng nasa 235,000 pulis sa pamununo nito.

FERDINAND MARCOS JR

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with