^

Police Metro

Lady pilot ni Kuya Willie, todas sa chopper crash

Christian Ryan Sta. Ana, Doris Franche-Borja - Pang-masa
Lady pilot ni Kuya Willie, todas sa chopper crash
Ang bumagsak na helicopter sa maburak na sapa sa Guimba, Nueva Ecija, kamaka­lawa ng hapon na ikinasawi ng babaeng piloto.
Nueva Ecija Provincial Police Office

MANILA, Philippines — Isang lady pilot ang nasawi matapos bu­magsak ang helicopter na kanyang pinapalipad kamakalawa ng hapon sa Guimba, Nueva Ecija.

Ayon sa ulat ni Lt. Col George Calauad Jr., Guimba Chief of Police, narekober mula sa crash site ang bangkay ng biktimang si Julia Flori Monzon Po, 25, ng Marina Bay Homes, Asia World, Parañaque City na matagal nang piloto ng TV host na si Willie Revillame.

Batay sa imbestigasyon nangyari ang insidente, alas-5:00 ng hapon sa Sitio Arimung-mong, Barangay San Miguel, Guimba, Nueva Ecija.

Ayon kay Calauad, nakatanggap ng tawag ang kanilang istasyon mula sa isang concerned citizen na tungkol sa pagbagsak ng isang helicopter sa Barangay San Miguel.

Sa crash site natagpuan ng pulisya ang helicopter na may body number RP-C3424 na nakalubog sa sapa. Agad namang naiahon ang katawan ng biktima na nakilala sa pamamagitan ng identification card nito.

Sinasabing pinapalipad ni Po ang helicopter na may body number RP-C3424 galing Baguio at patungong Maynila nang mangyari ang pagsabog.

Kasalukuyan pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa sanhi ng pagbagsak.

NUEVA ECIJA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->