2 barko ng CCG namataan malapit sa Pangasinan

MANILA, Philippines — Matapos na mamataan ang ilegal na presensiya ng dalawang barko ng China sa karagatang sakop ng Pangasinan ay agad nagdeploy ang Philippine Coast Guard (PCG) ng dalawang barko at isang aircraft.
Ayon kay PCG spokesperson for the West Philippine Sea (WPS) Commodore Jay Tarriela, idineploy nila ang dalawang 44-meter vessels, na BRP Cabra (MRRV-4409) at BRP Bagacay (MRRV-4410), gayundin ang isang island aircraft matapos na mamataang ilegal na pumasok sa teritoryo ng bansa ang Chinese Coast Guard (CCG) vessels 3301 at 3104.
Anang PCG, huling namataan ang mga naturang Chinese vessels, may 34 nautical miles sa coast ng Pangasinan, sa pamamagitan ng kanilang dark vessel detection program.
“At around 9:30 AM today, the PCG aircraft confirmed the illegal presence of the China Coast Guard vessels, identified by bow numbers 3301 and 3104. Notably, the CCG vessels did not respond to the radio challenge issued by the PCG,” ani Tarriela.
Pinaalalahanan din ng PCG vessels ang CCG na ang kanilang presensiya sa lugar ay ilegal, at ipinairal ang posisyon ng pamahalaan laban sa normalisasyon ng ilegal na pagpapatrulya sa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.
- Latest