Angkas nagbigay ng libreng pagsasanay sa tamang pagmamaneho ng motor

MANILA, Philippines — Nagbigay ng libreng pagsasanay ang Angkas para sa tamang pagmamaneho ng motor na isinagawa sa University of Rizal System Oval sa Marilaque.
Ang libreng pagsasanay na ginawa ng Angkas, katuwang ang ibat ibang law enforcement agencies, road safety advoxates dahil sa kasunod ng trahedya na kinasangkutan ng “Superman” motorcycle stunt accident.
Ayon kay Angkas CEO George Royeca, mahalaga na mabigyan ng tamang edukasyon ang mga motorista sa tamang pagmamaneho para hindi na maulit ang trahedya sa Marialque kung saan nasawi ang isang rider.
Nangako naman sina Tanay Mayor Rex Manuel Tanjuatco, Senator JV Ejercito, LTO, at PNP Highway Patrol na babantayan at tutugisin ang nagsasagawa ng illegal racing.
Ayon kay Royeca, mayroong 99.7% safety-rated training program ang Angkas. Si Royeca ay first nominee ng Angkasangga Party-list (#107).
- Latest