^

Police Metro

Pag-apruba ng P200 dagdag sahod, makasaysayan – Kamara

Joy Cantos - Pang-masa
Pag-apruba ng P200 dagdag sahod, makasaysayan � Kamara
Matatandaang inaprubahan ng komite nitong Huwebes ang substitute bill para sa “P200 Daily Across-the-Board Wage Increase Act,” na mula sa House Bill nos. 514, 7568, at 7871 matapos ang pakikipagpulong ni House Speaker Martin Romualdez sa mga lider ng iba’t ibang grupong manggagawa kung saan napag-usapan ang ­umento sa sweldo.
Philstar.com/Irra Lising

MANILA, Philippines — Itinuturing ng Kamara na isang makasaysayan ang pag-apruba ng House Committee on Labor and Employment sa panukalang P200 dagdag sa arawang sahod para sa lahat ng manggagawa sa pribadong sektor na maaaring maging kauna-unahang legislated wage hike mula pa noong 1989.

Matatandaang inaprubahan ng komite nitong Huwebes ang substitute bill para sa “P200 Daily Across-the-Board Wage Increase Act,” na mula sa House Bill nos. 514, 7568, at 7871 matapos ang pakikipagpulong ni House Speaker Martin Romualdez sa mga lider ng iba’t ibang grupong manggagawa kung saan napag-usapan ang ­umento sa sweldo.

Kung maisasabatas, aatasan lahat ng pribadong kumpanya, anuman ang laki o uri ng industriya, na magpatupad ng P200 dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa.

Ayon sa panukala, kailangang magbigay ang mga employer ng karagdagang P200 kada araw sa sahod ng kanilang mga manggagawa kapag ipinatupad na ang batas.

Nakasaad ang pagbabawal sa mga employer na ibawas ang dagdag-sahod mula sa mga naunang adjustment maliban na lamang kung ito ay malinaw na nakasaad sa mga kasunduan sa collective bargaining agreements at hindi rin maaa­ring bawasan ang mga kasalukuyang benepisyo at allowance dahil sa pagtaas ng sahod.

Ayon naman kay TUCP Party-list Rep. Democrito Raymond Mendoza na ang Pilipinas ay nangangailangan at karapat-dapat sa dagdag-sahod, at tinukoy ang matagal na pagsusumikap ng mga manggagawa para ­makuha ang makataru­ngang sahod.

HOUSE COMMITTEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->